PhilSCAT, ATI CARAGA renew training collab

PhilSCAT and Agricultural Training Center – Regional Training Office Region 13 (ATI-RTC 13) signed for another training collaboration through a Memorandum of Agreement (MOA) for the two batches of training under the Center’s Makina Teknik Program at PhilSCAT Conference Room last September 4, 2018.

The four-day training entitled “Training on Rice Machinery Operations Focus on Mechanical Rice Transplanter and Double-Mulching Technique aims to develop the participants’ skills and knowledge on rice machinery operations especially in using the mechanical rice transplanter.

According to Engr. Matt Andrew Bacquiano, ATI-RTC 13 training specialist he proposed this training to help them address the hindrances in the full utilization of mechanical rice transplanters in CARAGA Region which largely constituted of government grants.

He said that DA-RAED reports shows out of ______ mechanical rice transplanters given by the Department of Agriculture only _____ were utilized by cooperatives and the rest were non-operational due to lack of knowledge and technical know-how on its operation and maintenance.
“This training is not in our regular training budget, but I believe it is very timely that is why I did not have second thoughts to propose the Makina Teknik to ATI Central Office,” Bacquiano added.

The said two batches of training will be conducted at ATI-RTC 13, Los Angeles, Butuan City on October 16-19, 2018 and October 23-26, 2018, respectively.

Meanwhile, PhilSCAT Director Emmanuel V. Sicat assures the over-all conduct and implementation of the training for it is the first time that it will be conducted outside the Center’s premises.
ATI RTC 13 will provide the budget for the whole duration of the trainings and the selection of the participants while PhilSCAT will provide the over-all conduct of the training and technology transfer.

Furthermore, Bacquiano commended the PhilSCAT Training Management Team for their good training management style and implementation. “I can say that their management style is perfect. Everyone participates and ready to support, since I also do extension works and have attended a lot of trainings locally and internationally – one is for sure, PhilSCAT has one of the best TMT.” JMRarama

Advertisements

PhilSCAT TCP 3 officially inked

The third technical cooperation in the field of agriculture between the Philippines and the People’s Republic of China was officially inked during the ceremonial signing of the Implementation Agreement and Overall Implementation Scheme for the Philippine-Sino Center for Agricultural Technology (PhilSCAT) held at the Department of Agriculture, FOS Conference Room on August 14, 2018.

Engr. Ariel Cayanan, Undersecretary for Operations of the Department of Agriculture, signed in behalf of the Republic of the Philippines.

On the other hand, Mr. Du Daxiang, Director of ASEAN and Southeast Asia Division of the Agency for International Economic Cooperation of the Ministry of Commerce, signed for The People’s Republic of China.

Ms. Yang Ming, Second Secretary of the Economic and Commercial Counselor’s Office of the Embassy of the People’s Republic of China in the Republic of the Philippines; and Dr. Tereso A. Abella, President of Central Luzon State University, both served as witnesses to the said agreement.

The 3-year project with a total grant of RMB 27.52 Million will be implemented in Region 3 particularly in the provinces of Nueva Ecija, Pampanga and Tarlac and in Region 11 specifically in Davao Oriental.

China’s Ministry of Commerce and the Philippine’s Department of Finance are the project’s lead implementing agencies while Yuan Longping High tech Agriculture Co., Ltd. (PROC), Department of Agriculture with CLSU will be the executing agencies, respectively.

The third Phil-Sino cooperation aims to produce high yielding and quality hybrid rice varieties in the Philippines by improving its existing agricultural; research, production and promotion competencies through the Philippine-China cooperation and the utilization of PhilSCAT-bred varieties and technologies by Filipino farmers to accelerate rice sufficiency.

Twelve (12) Chinese experts in the field of hybrid rice production, breeding, crop protection, agricultural mechanization and biogas technology are expected to arrive at PhilSCAT this October as the official start of the project. PPBernal

Kusang-loob na serbisyo, HATID AY LIGAYA AT PAG-ASENSO

Hindi inakala ni Robert Antenero-Dolleno, 55, na kahihiligan niya ang gawaing pagsasaka, maging ang magbigay ng kusang-loob na serbisyo para sa kapwa gayung lumaki ito sa Kamaynilaan na ang nakagawiang trabaho ay sa konstruksyon at pabrika.

Si Robert, o mas kilalang Kuya Robert ay tubong Negros Occidental. Napadpad ito sa Kamaynilaan upang maghanap ng mapapasukang trabaho habang nag-aaral.

Siya ay nakapagtapos ng Industrial Electrician sa isang Technical Vocational School at pinagpatuloy ang kursong Engineering habang nagtatrabaho, ngunit sa kabila ng hirap ng buhay ay hindi na nagawang ipagpatuloy pa.

Nagsimula ang hilig sa pagsasaka ni Kuya Robert nang magpaalam sa kanyang mga magulang na lalagay na sa tahimik. Nakapagtapos ng kursong Agriculture ang kanyang mapapangasawa, kung kaya’t naging tampulan siya ng tukso ng ama na baka paghawak lang ng araro ay hindi pa niya alam.

Sa kabila ng mga tukso sa kanya ng ama, ang tanging sagot lamang niya “Lahat naman po ng bagay ay natututunan, walang imposible hangga’t ang tao ay interesadong matuto.”

Taong 2001, napagtanto ni Kuya Robert na gusto niyang danasin ang buhay magsasaka. Gamit ang naipong pera sa pagtatrabaho, nakabili siya ng kalahating ektaryang lupain sa Barangay Parang, Bagac, Bataan kung saan naninirahan

ang kanyang kabiyak. “Hindi ko talaga hilig ang pagsasaka, naengganyo lamang ako kasi ang aking lupaing nabili ay magandang taniman ng palay,” aniya.

Ayon sa kanya, siya lamang ay nangangasiwa sa mga trabahador o kasama sa bukid, dahil ang namamahala nito ay hindi rin naman iba sa kanyang asawa.

Inaral niya lahat ng uri ng gawain sa bukid hanggang sa napagpasyahang tuluyan nang manirahan sa Bagac upang makasama na rin ang kanyang kabiyak na si Prima, o mas kilala bilang Ate Ema.

Si Ate Ema, 56, Agricultural Extension Worker (AEW)  sa Bagac, Bataan ay nagpatunay din sa labis na pagkahilig ni Kuya Robert sa mga gawaing pagsasaka, kaya naman isinasama niya ito kapag siya ay bumibisita sa mga barangay upang magpalaganap ng mga pagsasanay patungkol sa pagsasaka.

Mayroong 14 na barangay ang Bagac, pito dito ay baybayin na lugar na nakatalaga kay Ate Ema. Ayon kay Kuya Robert, “iyong ibang empleyado ng gobyerno, pagdating ng bagyo nagtatago sa bahay, pero ang asawa ko nasa sakahan upang tignan ang mga nasirang pananim,” buong pagmamalaki niyang pahayag.

Dahil sa mga karanasang ito, nagpasya si Kuya Robert na samahan ang kanyang kabiyak sa mga lakad nito. “Bilang asawa hindi ko siya pwedeng pabayaan,” dagdag pa niya. Hindi man linya sa kanyang

pinag-aralan ang nakahiligang gawain ngayon, hindi ito naging hadlang upang mapamahal sa napiling karera at makatulong sa kanyang kapwa magsasaka.

MAGSASAKANG KAAGAPAY NG GOBYERNO

Dahil sa kanyang dedikasyon sa pagsasaka, naitalaga si Kuya Robert bilang Farmer-Led Extensionist (FLE) ng Bagac, Bataan taong 2004. Siya ang ipinadadala sa mga pagsasanay ng Agricultural Training Institute (ATI) upang mas maipalaganap ang mga makabagong teknolohiya sa pagsasaka at maging kaagapay ng gobyerno sa pagtulong sa mga magsasaka sa kanayunan.

Mula noon, naging katuwang na ng LGU Bagac si Kuya Robert upang pasinayaan ang Farmers’ Field School o FFS sa mga karatig barangay nito.

Kwento nito, ang layunin ng isang Farmer Led Extensionist na ngayon ay Local Farmer Technician (LFT) na kung tawagin ay maging katuwang ng mga AEW sa pagpapalaganap ng mga makabagong pamamaran ng pagsasaka.

Aniya dahil sa mga naging karanasan sa LFT, natutunan niya ang kababaang-loob sa kapwa magsasaka. Bagamat siya rin ay isang magsasaka na maituturing, danas din niya ang hirap lalo na kapag ang sakahan ay napipinsala ng kalamidad.

Kaya naman ganun na lamang ang kanyang pagsisikap na maibahagi ang mga natutunan sa pagsasanay sa kanyang kapwa magsasaka upang mas madagdagan pa ang kaalaman at mga diskarteng aalalay sa kanila sa tamang pagsasaka.

“Kung anong ganda ng turo, anong ganda ng iyong pinulot sa iyong natutunan kung itoy mananatili sa bulsa mo ay hindi lalago, pero kung pagbalik mo sa iyong lugar at ito’y binahagi mo sa kapwa mo magsasaka tiyak na iyon ay lalago sabay sa paglago ng ani ng kapwa mo,” diin ni Kuya Robert.

“Hindi man sapat kung ano man yung natatanggap namin, kinahiligan ko na ito na tumulong sa aking kapwa

magsasaka. Sa panahon ngayon, walang imposible kung tayong mga magsasaka ay tulong-tulong, sapagkat ang sarili at kapwa din natin ang makatutulong sa atin,” dagdag pa niya.

“Mahusay magturo si Kuya Robert, marami na kaming natutunan sa kanya sa pagsasaka,” patotoo ni Hernani Fruelda ng Barangay Binuwangan, isa sa mga nabigyang serbisyo ni Kuya Robert.

Bilang lider ng Duhat Upland Farmers Association, Inc. si Hernani ay patuloy na umaasa na marami pang maibabahaging kaalaman si Kuya Robert sa kanila upang mas lalo nilang pag-igihan pa ang pagsasaka at tapusin ang programa ng FFS sa kanilang lugar.

KATAS NG BOLUNTERISMO

Taong 2015 nang maging opisyal na kabahagi siya ng munisipyo ng Bagac sa ilalim ng municipal

agriculture office.

Sabi nga ng iba, ang kusangloob na pagbibigay serbisyo ay isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa lipunan nang walang hinihintay na kapalit.

Hindi man hinangad ngunit kusang ibinigay ang pagkakataon kay Kuya Robert na suklian ang kanyang pagpupunyagi na mapabilang na maging kawani ng gobyerno. Para sa kanya, kasiyahan na niyang maglingkod sa kapwa.

Minsan sa kanyang pagpapasinaya ng FFS, kinakitaan siya ng mayor ng Bagac ng abilidad na maimpluwensyahan ang mga magsasaka sa tamang paggamit ng mga teknolohiyang makatutulong sa gawain sa bukid at maitaas ang moral ng mga magsasakang upang mas pag-igtingin pa ang pagsasaka.

Ayon naman kay Ate Ema, “minsan po sa opisina, si Robert nalang ang laging hinahanap. Mas kilala na po si Kuya Robert kesa sa amin dito na matagal nading naninilbihan sa agriculture office.”

Patunay lamang ito sa magandang relasyong nabuo ni Kuya Robert sa kapwa magsasakang umaasa at nagtitiwala sa kanyang kakayahan.

At nito lamang nakaraang Mayo taong 2017, siya ay pinarangalan bilang isa sa mga Natatanging Local Farmer Technician sa Pilipinas na iginawad sa Clark, Pampanga. Kalakip ng parangal na ito ay cash incentive na nagkakahalaga ng Php20,000. “Masarap sa pakiramdam na gawaran ng isang parangal na katulad nito, yung hirap mo ng ilang taon ay nagbunga. Sabi nga

nila, naghirap ka man at least may na-ani tulad ng pagtatanim ng halaman,” saad niya.

PAGPAPATULOY NG NASIMULAN

“Masasabi kong ito ang calling ko. Noong una’y wala talaga akong hilig sa pagsasaka, pero noong ito’y nakagawian ko na, ayoko ng ihinto. Sabi nga nila may edad na ako. Ang sabi ko naman wala ‘yan sa edad, kung mahal mo ang ginagawa mo ipagpapatuloy mo ito hangga’t may nangangailangan,” ani Kuya Robert.

Malaking hamon man kung titingnan ang bigat ng responsibilidad na kanyang pasan, ipagpapatuloy ni Kuya Robert ang kanyang nasimulan. Dagdag pa niya, “Hangga’t kailangan po ang serbisyo ko ng mga kapwa ko magsasaka, hindi ako magsasawa.”

Aminado si Kuya Robert na marami pa ring taliwas at sarado

ang pag-iisip pagdating sa makabagong pamamaraan ng pagsasaka, ngunit ang mga salik na ito ang siyang nagpapaigting sa kanya upang mas lalo pang mahalin ang kanyang gawain.

“Ang sabi ko sa kanila kung ano ang natutunan niyo noong unang panahon at iyong natutunan ko sa kasalukuyan bilang LFT, hindi natin dapat pagtalunan iyan. Kung ano man pong dulot at ganda ng inyong natutunan noon at saka yung ganda ng natutunan ko sa mga pagsasanay, pagsamahin po natin. Baka sa key check na walo, pwede nating gawing siyam,” ani Kuya Robert.

Bitbit ang mga pangarap at pangakong layunin bilang isang LFT, si Kuya Robert ay hindi maglilikat ang pagmamahal sa napiling karera at pagmamalasakit sa kapwa magsasaka at dahil na rin sa labis na kaligayahang nasumpungan sa napiling tungkulin.

MAY EKSTRANG KITA MULA SA DUMI NG ALAGA

Nakalalasong tubig, nasisirang kalupaan, at maruming hangin ang araw-araw na kinakaharap ng buong mundo sa ngayon. At sa iba’t-ibang anyo ng polusyon, mababakas ang unti-unting pagkasira ng ating inang kalikasan. Sa kasalukuyan ay nanganganib na ang supply ng malinis na tubig sa maraming lugar sa ating bansa maging ang mga pagkaing nagmumula sa ating mga sapa, ilog, lawa, at karagatan.

Naapektuhan na rin ang mga pananim na kung saan ang dating malinis na tubig na ipinandidilig sa mga gulay at iba pang halaman ay napalitan na ng mga nakalalasong kemikal na lubhang nakasasama sa kalusugan.

BIOGAS

Ang biogas ay nagmumula sa pagkabulok ng mga organikong bagay sa pamamagitan ng mga mikroorganismo. Binubuo ito ng methane at carbon dioxide na napoproseso sa isang lugar na walang oxygen o hangin. Kapag nabubulok ang dumi ng mga hayop, ito ay pinagmumulan ng methane na sadyang mapaminsala sa ating kapaligiran. Kaya naman ang paggamit ng biogas ay isang epektibong paraan upang mabawasan ang polusyon sa tubig, hangin, at lupa, at matugunan ang kakulangan ng enerhiya sa mga rural na lugar.

Katulad ng Liquid Petroleum Gas, ang biogas ay kulay asul kapag ito ay nasusunog. Ito ay walang amoy kahit pa nagmula ang gas sa dumi ng hayop. Maaaring gamitin ang gas na ito sa pagluluto, ilaw, at iba pa. Sa pangangalaga natin sa kalikasan at paggamit ng biogas, malinis na hangin at tubig ay maaari pang magisnan ng mga susunod pang henerasyon.

BIOGAS PROGRAM NG PHILSCAT

Layunin ng PhilSCAT Biogas Program na ipakilala ang isang biogas technology mula sa China para matugunan ang mga

problema dulot ng hindi maayos na pagtatapon ng dumi ng mga hayop sa kanayunan.

Noong Mayo 2014, pumili ang PhilSCAT mula sa mga interesadong backyard raisers sa Nueva Ecija upang tumanggap ng teknolohiyang biogas at isa na rito si Mary Grace Mostajo, 38, mula sa Sto. Domingo, Nueva Ecija. Dating sekretarya sa isang Law Office ngunit ngayon ay abala sa pangangalaga sa kanyang pamilya katuwang ng kanyang asawang si Reghis sa pangangasiwa naman ng kanilang babuyan na pangunahin nilang pinagkakakitaan.

Noon, ang mabahong amoy at pagtatapon ng dumi ng mga alagang baboy ang mga problemang karaniwan nilang kinahaharap sa araw-araw. Kaya naman ng malaman niya ang tungkol sa biogas program ng PhilSCAT ay dali-dali niyang ihinanda ang mga dokumento na kailangan ng center upang magqualify bilang cooperator.

“Sabi nila (PhilSCAT staff) kailangan lamang namin ng dumi mula sa 10 baboy para mapagana ang aming unit. Dahil mayroon kaming higit sa 10 baboy, ipinaayos namin ang kulungan ng mga baboy. Nagpagawa kami ng hiwalay na drainage para sa dumi ng 10 baboy lamang at ito ay nakadugtong diretso sa biogas inlet,” ani Mostajo.

Kumikita sila ng nasa 30,000 pesos kada buwan at nagbabago din depende sa dami ng biik na kanilang naipagbibili.

“Yung iba, iniisip nila baka sumabog daw, pero kami dahil naka-attend kami ng seminar, alam ko na hindi s’ya (biogas tank) sasabog. Nakakabawas pa tayo sa air pollution, at marami na din ang may gusto na magkaroon ng biogas dito sa amin dahil sa nakita nila ang pakinabang,” dagdag nito.

Para sa patuloy na suporta mula sa PhilSCAT, may talaan ang mga cooperators kung saan nilalagay nila ang mahahalagang impormasyon patungkol sa paggamit nila ng biogas sa araw-araw. Personal din na pumupunta ang nakatalaga sa proyekto upang i-monitor ang biogas units.

“Dati, nakakaperwisyo yung mabahong amoy lalo na sa mga kapitbahay, pero ngayon halos wala nang maamoy, yung dumi ay naging kapaki-pakinabang pa. Luto kami ng luto pero hindi na namin iniisip na gastos na naman dahil libre na ang gas namin,” masayang kwento ni Mary Grace.

MULA SA DUMI

“Ang lahat ng eksperimento na ginagawa ay may impact sa edukasyon ng tao, dahil nga kailangan ng mga tao na matuto upang magamit ito ng tama. Tulad ng biogas, mainam na natutunan na maari pala itong magamit sa pagluluto, ilaw, at syempre bilang organikong pataba,” saad ni Mostajo.

Noon daw ay hindi naman nila prayoridad ang pagbebenta ng organikong pataba dahil hindi naman nila alam kung saan ito ipagbibili. Ngunit dahil sa patok ang organikong pagsasaka sa ngayon ay nagkaroon siya ng mga mamimili at ito ay nakatulong sa kanila.

“Kinokolekta nila ang mga sludge mula sa discharge pipe at ibinibilad upang matuyo. Kadalasan tumatagal ng tatlong araw ang pagpapatuyo. Binebenta namin sa halagang 150 pesos kada sako, at dapat kung bibili ka may dala kang sariling sako. ‘Yung pinagkakakitaan, napupunta na

‘yun sa mga trabahador namin,” kwento ni Rhegis.

“Dati naghuhukay pa kami para maibaon yung mga dumi. Simula 2014 napapakinabangan na naming ang organikong pataba. Sa bukid napansin ko na mas maganda ang bulas ng sibuyas. Dati pineste ang mga pananim ng Sto. Domingo ng mga uod, pero ‘nung ginamitan namin ng organic fertilizer galing sa biogas, hindi masyadong nasira, hindi tulad ng iba na ang gamit ay artipisyal na pataba,” dagdag pa ni Rhegis.

Sa ating bansa ay agrikultura ang karaniwang pinagkukuhanan ng kabuhayan ng mga tao,

ang paggamit ng organikong pataba ay isang paraan upang makatipid at magkaroon ng mas masustansya at ligtas na pagkaing maihahain sa hapag kainan ng bawat pamilyang Pilipino.

Habang lahat ng tao ay nakatutok sa mga makabagong teknolohiya, wag nating kalimutan na ang ating kalusugan pa rin ang mas mahalaga. Ang paggamit at pagkain ng mga organikong produkto ay napakapraktikal na gawain hindi lamang upang maging malusog kundi upang makatulong din sa nagiisang planeta kung saan tayo namumuhay

Naudlot na pangarap, SA PAGSASAKA NATUPAD

Sa dami ng tao sa mundo, iilan na lamang ang nangangarap na maging isang magsasaka, kabilang dito si Ceferiano I. Sevilla, 60, mula sa Castellano, San Leonardo, Nueva Ecija. Sa kabila ng kanyang edad ay tinupad pa rin niya ang naudlot na pangarap na maging isang magsasaka.

SIMULA PAGKABATA

Namulat sa kahirapan si Ceferiano o Tatay Piring kung tawagin ng kanyang mga kabaryo. Bata pa lamang siya ay nakikita na niya ang hirap ng kanyang ama sa pagsasaka ng kanilang bukid sa San Vicente, Jaen, Nueva Ecija. Ngunit hindi ito naging hadlang upang talikuran niya ang pagsasaka.

“Noong maliit pa ako, sumasama na akong mamunla sa bukid. Ang tatay ko ay mag-isang gumagawa at nag-aararo gamit ang aming kalabaw dahil noong araw hindi naman uso ang may kasama sa bukid,” kwento ni Tatay Piring.

Ayon sa kanya, habang naglalako ng bukayo o minatamis na niyog na nakabalot sa dahon ng saging sa umaga ay bitbit na niya ang pagkain ng kanyang ama bago tumungo sa bukid. Sa murang edad at

bilang panganay sa anim na magkakapatid, ito ang kanyang nakamulatang gawain upang makatulong sa kanyang pamilya.

“Gustong gusto ko mag-aral noon, pero sabi ng tatay ko, pasensya ka na, kung uutangin ko lang pag-aaral mo, hindi ko kaya. Wala na akong nagawa kundi tanggapin na lamang ang aking kinahinatnan kahit naiinggit ako sa ibang kabataan na pumapasok sa eskwela. Noong ako’y 13 anyos na, natuto na akong mamasada ng traysikel upang kumita kahit kaunti,” salaysay pa niya.

BUKOD SA PAGSASAKA Noong magkaroon ng sariling pamilya ay naisipan niyang mangibang bansa. Sa edad na 25 ay naging isang Overseas Filipino Worker o OFW sa bansang Saudi sa loob ng anim na taon. Nang may sapat na ipon na, ay nakapagpundar ng isang maliit na bahay at panaderya sa kanilang lugar sa San Leonardo, Nueva Ecija.

Ngunit sa dalawang taong pagpapahinga galing Saudi ay naubos ang kanyang ipon at naantala ang pagsisimula ng kanyang bubuksang negosyo. Kaya naman binilinan siyang simulan na panaderya. Ayon kay Tatay Piring, taong 1988 nang nagsimula ang operasyon ng

kanyang panaderya.

“Hindi ako marunong magmasa ng tinapay, pero dumalo ako ng maraming pagsasanay patungkol sa baking. Alam kong magturo pero hindi ako ang mismong nag-mamasa. Ako lamang ang taga-tikim nila ng tinapay dito,” magiliw niyang lahad.

Magpasahanggang ngayon ay patuloy pa rin ang operasyon ng kanyang panaderya. Dahil sa kanyang pagsisikap, napalago niya ito at napagtapos ng kolehiyo ang kanyang apat na anak, nakabili ng bukid, at nakapagpagawa ng mas komportableng bahay para sa pamilya.

Hindi maitatanggi ang hilig niya sa pagtitinapay dahilan upang maitaguyod ang sariling pamilya sa kahirapan, ngunit naniniwala siyang hindi ito ang kanyang tadhana o kapalaran.

Ayon sa kanya, kung labis ang pagmamahal niya sa paggawa ng tinapay disin sana’y noon pa man ay natutunan na niya ang aktuwal na paggawa ng tinapay.

Ito ang isang dahilan kung bakit sa kabila ng kanyang edad ay patuloy niyang tinutupad ang kanyang naudlot na pangarapang pagsasaka.

Para kay Tatay Piring, sideline lamang niyang maituturing ang pagbubukid dahil ang panaderya pa rin ang kanilang pangunahing hanap-buhay sa loob ng 30 taon.

Ayon sa kanya, nagsimulang pumukaw sa kanyang interes ang hilig sa pagbubukid nang may nagsanla sa kanya ng isang hektaryang bukirin sa San Isidro, Nueva Ecija. Magmula noon ay hindi na niya tinigilan ang pagsasaka.

Mahilig din siyang dumalo sa mga pagsasanay na may kinalaman sa pagsasaka, kaya naman hindi nawaglit sa kanya ang pinangarap na gawain.

“Nasa elementarya pa lamang ako, mahilig na akong magsaka. 100 nga ang marka ko ‘dun at nararamdaman ko na ito talaga ang destiny ko, ang pagsasaka. Matagal na rin akong marunong kumuha ng soil sample . Basta may paseminar , dinadaluhan kong talaga,” aniya.

Sa ngayon, isa siya sa mga board member ng San Leonardo Agricultural MultiPurpose Cooperative at NievesCastellano Agricultural and Irrigators’ Association. Kasapi rin siya ng Neighborhood Association of Castellano kung saan nasa 430 pamilya na ang natatalang kasapi nito.

Layunin ng mga samahang ito na matugunan ang mga pangangailangan ng mga magsasaka sa kanilang lugar lalung-lalo na sa patubig na hindi naabot ng irigasyon.

Isa din siyang Modern Farmer Technician (MFT) o mas kilala

noon bilang Local Farmer Technician . Kasama ang Kagawaran ng Pagsasaka sa Region 3 at Provincial Agriculture’s Office ng Nueva Ecija, nagsasagawa sila ng mga technology demonstration sa bukid ni Tatay Piring simula pa noong 2014.

PAGSABAY SA MEKANISASYON

Bilang isang MFT, siya ay kasama ng DA-RFO 3, sa

panukala nitong paggamit ng mga makinarya upang mas mapataas pa ang ani ng mga magsasaka.

Kaya naman noong 2015, isang de-makinang pangtanim o walk behind mechanical rice transplanter kasama ng 270 seedling trays ang inilipat sa pangangalaga at ni Tatay Piring at kasamahang MFT mula sa isang kooperatiba sa Zaragoza, Nueva Ecija upang mas mapakinabangan sa kanilang lugar.

“Nasubukan na namin ito noong panahon ng tag-ulan at tag-init ngunit hanggang techno-demo lamang. Ang trabaho namin ay tulungan ang kapwa namin magsasaka, kapag nakumpleto na ang kagamitan namin para sa aming mga makinaryang pambukid, saka pa lang kami tatanggap ng mga custom services ,” pagsasaad niya sa kanilang mga plano.

MULA YOUTUBE HANGGANG PHILSCAT

Dahil sa talamak na paggamit ng internet , aminado si Tatay Piring na sa isang sikat na website na kung tawagin ay youtube siya naghahanap ng iba’t-ibang pamamaraan ng pagpupunla gamit ang de-makinang pantanim bago siya naimbitahan ng isang kawani ng DA-RFO 3 upang dumalo sa pagsasanay patungkol sa tamang pamamaraan at paggamit nito.

Ito ay pinamagatang ‘ Basic Operation and Maintenance of Selected Farm Machineries of Farm Service Providers in Region 3 Focus on Mechanical Rice Transplanter and Doublemulching Technique’ na kung saan ang teknolohiya ng Philippine Sino Center and Agricultural Technology o PhilSCAT ang siyang pangunahing tampok sa pagsasanay. Siya ay nakabilang sa ika-apat na batch ng pagsasanay na isinagawa sa Muñoz, Nueva Ecija noong ika 2-3 ng Mayo taong 2017.

“Doon ngayon ako nagkaroon

ng ideya na may pag-asa pa pala sa pagsasaka. May nagtuturo na ngayon. Noon, gagayahin mo lang ang mga nakikita mo sa mga kapwa mo magsasaka. Nagsabog siya ng ganito, bibili ka din at gagayahin mo. Pero hindi naman pala ganun lang, may natatangi palang pangangailangan ang lupa,” aniya.

“May ideya na kami noon pa man, kaya naisip namin na mas linangin ang pamamaraan ng pamumunla na naaayon sa aming lugar at kung alin ang mas madaling gamitin para sa amin. Pinagsama-samang mga ideya mula sa youtube at mga pamamaraan mula sa training,” ani Tatay Piring.

Sa kanilang pagpupunla ay dinadala nila sa bukid ang plastic mulch na pangunahing kagamitan sa pagpupunla para sa de-makinang pantanim, balak na bastidor o frame na may sukat 38cm x 74cm at kapal na ¼ pulgada, tabo, organic soil , binhi, paleta, riles ng seeder na gawa sa 2x2cm na kahoy, seeder , at kugon. Aararuhin muna nila ang bukid at kung pantay na ang pagkakalebel nito ay maaari na silang magsimula sa pagpupunla.

Kinakailangan din na pantay ang pagkakalebel ng lupa bago ito lapatan ng plastic mulch at patungan ng frame. Kailangan din haluing mabuti ang ilalagay na organic soil sa punlaan gamit ang tabo bago ipatong ang frame sa mga gilid nito.

Ang paleta ay kanilang ginagamit upang pantayin ang nailagay na lupa sa frame at masigurong walang matitigas

na lupang naihalo. Gumagamit din sila ng seeder na may riles na siyang nakalapat sa gilid ng frame upang maikalat ng maayos ang mga binhi.

“Ang gusto ko talaga ay mechanized na, kase dito sa barangay namin ay halos wala ng manananim. Naghahanap na lang kami sa ibang lugar, minsan malayo at may kamahalan ang upa. Nais namin na untiunting, makita ng mga tao ang ginagawa namin para kahit tagulan man ay transplanter na ang gagamitin,” ani Tatay Piring.

Bilang isang MFT ay nagsasagawa si Tatay Piring ngayon ng participatory technology demonstration na kung saan tampok sa kanilang techno-demo ang kanilang sariling pamamaraan ng pagpupunla mula sa mga natutunan sa youtube at mga turo sa PhilSCAT na kanilang mas pinainam at iniangkop ayon sa kanilang pangangailangan sa kanilang lugar.

“Sa aking palagay, maaari na akong magretiro, kaya naman nag-aalok ako ng mga libreng serbisyo gamit ang aking mga makina. Ang goal ko na lang ay kung paano makatutulong at mas mapa-aangat ang pamumuhay at gawi ng aking kapwa magsasaka,” aniya.

Tunay nga namang hindi hadlang ang edad upang tuparin ang mga pangarap lalo na kung ito ay para sa ikabubuti ng iyong kapwa. Isa si Tatay Piring na patotoo na sa kabila ng paminsan-minsang pananakit ng kasu-kasuan dala ng katandaan, ay may tikas at sigla pa rin pagdating sa pagsasaka.

Pagsasaka ang katuwang ng ‘Super mom’ ng Iloilo

Sariwa pa sa alaala ni Myrna ang hirap at sakripisyo niya sa pagpapalaki ng kanyang mga anak habang nagsisilbing isa sa mga aktibong farmer leader sa kanilang lugar sa Passi City, Iloilo.

Maaga mang nakapag-asawa sa edad na 18, ni katiting na pagsisisi ay hindi niya naramdaman sapagkat ang walo sa kanyang mga anak ay pawang propesyunal na ngayon habang ang bunso nama’y Grade 11 na.

Hindi man natapos ni Myrna ang kursong Civil Engineering ay itinuon naman niya ang kanyang atensyon sa kanyang pamilya at pagsasaka.

Mula sa anim na hektaryang bukirin na ipinamana ng kanyang ama noong 2002, naging pangunahing pagkabuhayan na nila ang pagsasaka.

“Yung dalawang hektarya tinataniman namin iyon ng palay, tig-dalawang hektarya din sa mais at tubo,” ani Myrna.

Ayon pa sa kanya, talagang likas na sa pamilya nila ang hilig sa pagsasaka. Sa katunayan pa nga, ang ama ang kanyang iniidolo pagdating sa larangang ito.

Survivor

Hindi lingid sa karamihan na isa ding cancer survivor si Myrna. Taong 1999 nang madiagnosed siya ng sakit na follicular thyroid carcinoma, isang uri ng tumor sa thyroid.

Sa halip na mawalan ng pagasa, ang karanasang ito ang nagsilbing inspirasyon niya upang magpatuloy sa hamon ng buhay.

Hindi madali ang responsibilidad ni Myrna bilang isang local farmer technician ng DARegion VI. Bukod sa myembro siya ng Agtabo Farmers Association sa kanilang lugar at kasalukuyang pangulo ng Passi City Federation of Farmers Association mula 2010, siya din ang itinalagang treasurer ng Iloilo Farmers Federation of Farmers Association sa kanilang probinsya.

Ngunit ayon sa kanya, hindi daw siya napapagod na tumulong sa kapwa magsasaka, “minsan tinatanong ko nga din ang sarili ko kung bakit hindi ako napapagod, kasi sa totoo lang wala na dapat ako masyadong iniisip sa buhay kasi halos lahat ng anak ko ay propesyunal na, pero iba kasi kapag naaapreciate ka ng kapwa mo sa maliliit na bagay na nagagawa mo sa para sa kanila, iyon ang hindi kalianman mabibili ng pera.”

Ayon pa sa kanya, napakalaking tulong din ng mga suporta at tiwala ng kanyang pamilya sa lahat ng kanyang ginagawa.

“Sobrang proud sila sa akin, talagang yung suporta nila sa akin ay napakalaki, kaya

naman hindi ko mabitawan yung mga responsibilidad ko sa asosasyon,” saad ni niya.

Bilang farmer-leader

Bilang aktibong miyembro ng ibat-ibang asosasyon ng mga magsasaka, hindi rin naging madali para kay Myrna ang pagiging isang farmer-leader lalo na at marami pa rin sa kanyang kapwa magsasaka ang sarado ang isip ukol sa mga makabagong pamamaraan ng pagsasaka.

“Mahirap din i-convince ang ibang magsasaka na buksan ang isip sa mga makabagong teknolohiya, hirap pa rin silang mag-adapt, may mga pagkakataon pa nga na tinatawanan kami ng nasisira na ang ulo namin kasi pati mga dahon ng palay sinusukat namin,” pag-alala ni Myrna.

Ngunit simula ng maacknowledge ng kanilang local government unit ang kanilang pagsisikap na umunlad ang kaalaman sa pagsasaka at magawaran ng cash incentive na siyang naging paraan upang sila ay magkaroon ng educational tour sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija.

Mula sa bilang na 25 miyembro, naengganyo nang sumapi ang iba pang magsasaka sa kanilang lugar hanggang sa naging 116 na ang kasalukuyang bilang ng miyembro ng asosasyon sa ngayon.

Dahil sa kanyang sipag at dedikasyon, nakitaan siya

ng natatanging galing sa pagsasaka. Napansin ito nang siya ay mag-uwi ng mga parangal mula sa DA bilang natatanging corn farmer sa kanilang rehiyon noong 2008 at 2016.

Madalas din siyang imbitahan sa mga pagsasanay ng Department of Agriculture na may kinalaman sa patatanim ng palay, mais, tubo at gulay. Ayon kay Myrna, “lahat naman ng bagay ay napag-aaralan, kung gusto maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan.”

Kaya naman nang siya ay mapili upang kumatawan sa kanilang rehiyon at maging kaisa ng PHilMech sa kanilang Magsasakang Mekaniko Program ay hindi siya nag dalawang isip na magtungo sa Nueva Ecija upang magsanay.

“Noong una, hindi ko talaga alam na sasabak ako sa hands-on kasi ang akala ko puro theory lang, pero hindi ko  akalaing sobrang ma-eenjoy ko yung training. I am very happy na naka-attend ako ng ganuong klaseng mga training,” saad ni Myrna.

Isa si Myrna sa mga naging mapapalad na participant ng Training on Repair and Maintenance of Small Farm Engines sa ilalim ng Mekanikong Magsasaka Program ng PHilMech kasama ng PhilSCAT, Super Trade Machinery Global, Inc., at Technical Education and Skills Development AuthorityNueva Ecija (TESDA-NE) na kung saan siya ay nakapasa sa national competency assessment na isinagawa ng TESDA-NE para sa Motorcycle/ Small Engines Servicing at ngayon ay NC II holder na.

Isang patunay si Myrna na ang pagkatuto ay wala sa edad o kasarian, “halos lahat ng activities ay sobrang naenjoy ko, kaya naman sobrang tuwa ko nuong nag hands-on kami at talagang napaandar ko yung tatlong klase ng makina mula sa diesel engine at gasoline engine na water cooled at air cooled,” kwento niya.

Base sa naging performance ni Myrna sa isinagawang posttest evaluation ay lumalabas na siya ay may 45% knowledge increment o dagdag na kaalaman mula sa kanyang naunang pre-test examination.

“Very keen siyang matuto, kung may hindi siya alam talagang nagtatanong siya at isinusulat niya agad, kahit nga sa pagpapaandar ng makina, kahit nangangalay na siya, sinusubukan pa rin niya, kaya naman hindi nakapagtataka na siya ang kauna-unahang babaeng trainee namin na nakapagpaandar ng tatlong klase ng small farm engine,” ani Ramil R. Carbonel, training development officer ng PhilSCAT.

Bahagi ng training na ito ang paggawa ng kani-kanilang action plan para sa kanilang lokal. At isa nga sa mga plano ni Myrna ay maibahagi ang kanyang mga natutunan

sa naganap na training sa pamamagitan ng pagbuo ng isang pagsasanay sa kanilang komunidad.

“Tumutulog-tulong din ako ngayon sa aking anak na chief mechanic sa aming lugar sa pagkukumpuni ng mga sirang makina at motor sa amin, minsan pa nga naibabahagi ko sa kanya yung ibang technique na natutunan ko sa training at ganun din siya sa akin,” dagdag niya.

Hindi na bago ang mga kagaya ni Myrna na nakikipagsabayan sa mga kalalakihan sa iba’tibang larangan, ngunit ang nakabibilib dito ay kung paanong sila pa minsan ang nakagagawa ng higit pa kaysa inaasahan.

Kaya naman ang payo ni Myrna sa mga kababaihan, “kung may mga

oportunidad na katulad nito, huwag kayo matakot sumubok, kasi para sakin pantaypantay ang mga karapatan at kakayanan nating mga babae at lalaki basta masipag ka at determinado kang matuto.”

PHILSCAT INSTITUTIONALIZATION OFFICIALLY INKED

The Philippine-Sino Center for Agricultural Technology (PhilSCAT) as one of the foreign assisted projects under the Department of Agriculture (DA) with the People’s Republic of China (PROC) has been officially granted approval for institutionalization under the stewardship of Central Luzon State University (CLSU) through a Memorandum of Understanding (MOU) signed during its Culminating Program and Turnover Ceremony held at the PhilSCAT Multi-Purpose Hall on July 31, 2017.

Dr. Tereso A. Abella, CLSU president and Dr. Andrew B. Villacorta, OIC director of the Field Operation Service of DA who also served as keynote speaker in behalf of DA Secretary Emmanuel F. Piñol led the MOU signing and the ceremonial turnover of responsibilities to CLSU for the operation of the Center.

Other officials from partner agencies like DA-Regional Office III, Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech), Philippine Rice Research Institute (PhilRice), Agricultural Training Institute (ATI), CLSU-Philippine Carabao Center (CLSU-PCC) were also present to witness the said event.

After the MOU signing, the ceremonial handing of key of responsibility was held and official marks the conclusion of PhilSCAT TCP II and at the same time as a sign of CLSU’s acceptance in taking full responsibility of the operation of the center on the premise of continuing, improving and expanding its appropriate agricultural programs carried out during the TCP II implementation.

Director Sicat, said in his opening message, “the end of the TCP II marks the start of a new episode for the center under the stewardship of CLSU.”

The event also highlights the exhibition of PhilSCAT TCP II accomplishments and a video presentation of its future plans under the sustainability program.

PhilSCAT’s sustainability plan is focused on upholding the strength of the center as an agriculture support system aimed at increasing productivity in mechanized hybrid rice farming and biogas technology. EKLiongson

 

PhilSCAT, private rice seed partners push hybrid rice seeds in Samar

The Philippine-Sino Center for Agricultural Technology (PhilSCAT) through the years has been one of the working arms of the Department of Agriculture (DA) towards its goal on rice self-sufficiency which actively pushes hybrid rice seeds in Eastern Visayas along with the other government and private rice seed companies during the 5th National Rice Technology Forum held in Basey, Samar on September 20 to 22, 2017.

The Rice Productivity Advocacy Inc. (Rice Board) comprised of both public and private rice stakeholders in collaboration with the DA Eastern Visayas Regional Office 8 (DA RFO-8) hosted the 5th National Rice Technology Forum in Samar, where hybrid rice was presented as a key to increasing the yield and productivity of rice farmers.

The three-day event showcases hybrid rice seeds and related agricultural products and machines coupled with series of discussions on hybrid rice from the technology experts, hybrid rice seed growers representatives, the rice board, officials from DA, and around 2,500 rice farmers coming from various places both near and from afar..

With the theme Increase Production through Hybrid Rice Technology, the event featured a 12.6-hectares demo farm located in Sitio Manilaay, Barangay Old San Agustin showcasing the different hybrid rice seeds from the nine different rice seed producers.

Among these participating seed companies and government agencies were: SL Agritech, Bayer Crop Science, Seedworks, Syngenta Philippines, Dupont Pioneer and Longping Tropical Rice Development. Government institutions such as the Philippine-Sino Center for Agricultural Technology (PhilSCAT), Philippine Rice Research Institute (PhilRice) and System of Rice Intensification (SRI).

During the rice derby, farmers were able to personally assess the differences in the yield from seeds offered by various companies, as well as interact with technicians and seed company representatives and exchange ideas.

The gathering also highlighted the technical forum featuring some practical tips and techniques on hybrid rice technology as expounded by Dr. Ruben Miranda of PhilRice as well as the programs and directions of the DA RFO 8 shared by Dr. Andrew Rodolfo T. Orais, DA RFO-8 OIC ARD for Operations.

Moreover, an open forum was held for farmers including the farmer-cooperators involved in the activity where they raise their issues and other clarifications addressed to the representatives of seed companies and institutions.

In his message, DA RFO 8’s OIC Regional Executive Director, U-Nichols A. Manalo imparted the DA assistances that the farmers can avail to intensify rice production and boost yield as well as the income.

“The commitment of DA and Rice Board to promote hybrid rice technology in the region will continue,” he quipped. As such, he announced that for the next cropping season, an additional 5,000 hectares are being targeted as expansion areas for rice hybridization within Region 8.

Meantime, Mr. Recher Ondap, Rice Board president urged the Visayan farmers to accept and adopt the technologies offered to them and personally see for themselves how their lives can change. PPBernal

 

PhilSCAT takes part in DA’s 5th Makina Expo

Philippine-Sino Center for Agricultural Technology took part in the 5th Makina Expo –a Department of Agriculture’s (DA’s) flagship program in the promotion of farm mechanization in the Philippines, held at International Convention Center, Iloilo City last September 7-9 2017.

Resounding the catchphrase “Aangat ang Pagsasaka, sa Paggamit ng Tamang Makina,” the chairperson of the Senate Committee on Agriculture and Food, senator Cynthia A. Villar, DA secretary Emmanuel F. Piñol, and Sweden ambassador to the Philippines Harald Fries, governor Arthur Defensor Sr., Davao del Sur representative Mercedes Cagas, and Negros Occidental 2nd district representative Leo Rafael Cueva graced the exposition.

The Makina Expo is an approach to enhance awareness on the effectiveness of using modern agricultural machineries and update the farmers on the latest mechanization technologies in the Philippines and in other countries.

Defensor, welcomed all the delegates to the three-day Makina Expo 2017 organized by the department of agriculture together with Bureau of Agriculture and Fisheries Engineering (BAFE), DA-RFO 6, Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech) and other attached agencies under DA. He acknowledged the importance of farm machineries in improving agricultural production.

Senator Villar discussed the studies why farmers in the Philippines are not yet competitive and not earning enough, in her message. “The factors that affect the competitiveness of Filipino farmers given that we are extremely hardworking are the lack of technical expertise, inadequate access to socialized credit, lack of mechanization and financial literacy,” she said.

Moreover, the chairperson stressed out that most farmers in the Philippines are operating their farms short of business, thus she encouraged everyone to be a businessman.

She stressed, “You are not only farmers, you are small businessmen and your farms are your small businesses. As such, you should treat your farm as a business because it’s the only way you will earn.”

In her final statement, Senator Villar said, “Ang pangarap po namin ni secretary Piñol ay ang mga magsasaka at mangingisdang mayayaman!”

Meanwhile, the secretary of the Department of Agriculture discussed the three major components on how to help and improve agriculture subsequently the lives of the farmers.

Secretary said, “These are things we can do to ensure that agriculture will be easier for us. Three things, one, technology, two, financing and three marketing”.

Villar and Piñol also discussed the importance of repair and maintenance of small farm engines which PhilSCAT, PHilMech, Super Trade Global Machinery, Inc., Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) and other DA Regional Offices jointly implemented the training course in the repair and maintenance of agricultural small engines back in 2014 until this year.

To date, the said training course already produced 226 individual mechanic or “Magsasakang Mekaniko” from Luzon, Visayas and Mindanao whereas they are capacitated to perform on the spot engine repair services to nearby farms and rural areas.

This program will then ensure the sustainability of the mechanization program of the government while providing better opportunity for rural labor that may be displaced by mechanization.

In this exposition, PhilSCAT featured the advantages and benefits of proper solid waste management through the use of biogas technology and biogas digester demonstrated and modified at the center to serve the livestock sectors in the country and raise their aware in the advent of this timely technology.

In addition, technical experts from the PHilMech presented the developments in local riding type rice transplanter, multi-purpose seeder, rice hull gasifier, engine pump system, multi-rows onion seeder, cassava digger, and grain probe moisture meter.

Meanwhile, field demonstration of tractor, transplanter, rice combine harvester, solar and pressurized irrigation system, proper repair and maintenance of small agricultural engines were conducted at Western Visayas Integrated Agricultural Research Center (WESVIARC) in Hamungaya, Jaro.

Naga Mangutaro Kalo from Lanao Del Sur, Marawi City said, “This is the best exposition I’ve ever seen; gathered all the machineries, equipment and technologies together in one place. We (with my 32 farmers’ delegates) have found various kinds of great machinery that we need in our area to rapidly increase our yield and income as well.”

The event was attended by 2,715 farmers from different regions with 86 exhibitors joined and showcased their latest and available agri-mechanization and irrigation machinery and equipment for crops, livestock and fishery.  RRCarbonel

 

PhilSCAT joins DOST regional science technology week

With the theme, “Science for People”, the Philippine-Sino Center for Agricultural Technology (PhilSCAT) participated in the Department of Science and Technology (DOST) regional science technology week (RSTW) cum regional invention contest and exhibits held at Central Luzon State University (CLSU) Gymnasium on July 25-27, 2017.

 

The event aimed at providing an opportunity to focus the regional and national attention on the role of science and technology (S&T) to national development and give recognition to outstanding accomplishments and personalities in the field of S&T.

The three-day regional event witnessed by hundreds of scientists, engineers, researchers, students, inventors and innovators, is part of the nationwide celebration of national science and technology week (NSTW).

Officials who graced the event are DOST secretary Fortunato T. de la Peña, DOST-Region III director Julius Ceasar V. Sicat, PhD, CLSU president Tereso A. Abella, PhD, Science City of Muñoz municipal mayor Nestor Alvarez, DOST provincial directors and officials of state universities and colleges (SUCs).

DOST has been a partner of CLSU in many scientific expeditions and explorations primarily in agriculture and allied sciences, President Abella said thus the university is honored to host the DOST-RSTW.

“CLSU has attained its status as one of the premier public higher education institution in the country because of the long term partnership with DOST. This science and technology exhibition showcases the many outputs of researches and in its effective that this cascade and trickle down to the people of communities we serve,” he said.

According to DOST-Region III director, the event is the first regional celebration of science and technology week after the NSTW held at the world trade center last July 11-15, 2017 and it was more than 20 years ago since the last time that RSTW was conducted in Nueva Ecija.

“We would like to showcase and focus on a world class and relevant regional based S&T inside the Muñoz community because this is the only Science City in Philippines and fifth in the DOST-declared science community in the country,” director Sicat said in his message.

The director ended his inspirational message quipping that ‘Believe in Science, it works’.

Meanwhile, the DOST secretary recognized all the contribution of S&T in the Science City of Muñoz and other part of Central Luzon. He particularly extended his warm thanks to Emmanuel V. Sicat, PhilSCAT Director and Carlos C. Abon, Jr., PhilSCAT Chief Technology Product and Development Division for extending the technology on mechanized hybrid rice production in Pulilan, Bulacan.

During the event, PhilSCAT showcased the biogas technology –features, benefits and the main objectives of the said program. The center was mandated to demonstrate, promote and commercialize the biogas technology and the digester which was carefully explored and improved at PhilSCAT as a renewable source of energy, waste recycling and environmental management measure for household level animal raisers.

Danilo Macato, research assistant of the biogas technology unit of PhilSCAT, discussed the benefits and advantages of the technology to the students and researches who visited the booth, while Lea Marie Parchamento, sales manager of INCA Philippines Inc. –partner-manufacturer of PhilSCAT in the production of biogas digester explained the costing of the package for the technology.

Apart from the exhibit, S&T film showing, various seminars like “Usap SETUP Tayo” –sharing of successful Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) adopters’ experiences and awarding of this year’s outstanding SETUP adopters in Region III was also staged during the three-day festivities.

The set-up awardees are successful program beneficiaries who adopt and use technological innovations with the assistance of the DOST in the region for their businesses and industries.

The seminars ranges on hydroponics, goat production and processing technologies, design, prototyping and commercialization of machineries and equipment for the agricultural sector and DEW IEC with basic troubleshooting and maintenance were conducted on the second and third day of the event. RRCarbonel